Pasasalamat:
Nais magbigay pasasalamat naming mga mananaliksik sa mga sumusunod:
Una sa lahat, nais naming magpasalamat sa poong Maykapal sa pagbibigay sa amin ng karagdagang lakas at grasya upang malampasan ang anumang pagsubok na aming dinaranas. wala kaming mapapala sa buhay kung wala siya sa aming puso. Lahat ng lakas namin sa pag-
gawa ng proyektong ito ay nanggaling sa kanya. Nakayanan namin ang mga paghihirap tulad ng presyur at puyat kung hindi lang sa kanyang pag-gabay sa amin sa araw-araw.
Nais din naming magbigay pasasalamat sa aming mga pamilya sa pagbibigay ng walang sawang suporta sa amin lalung-lalo na nung kinailangan namin. Sila ang nagpaaral sa amin sa magandang unibersidad at nagaalaga sa amin hanggang ngayon sa likod ng kanilang mga trabaho. Isa sila sa dahilan kung bakit kami nagpupursigeng makakuha ng magandang marka sa papamagitan ng pag-gawa ng magandang pamanahong papel.
Salamat sa seksyon I-9 sa pagiging matutulunging mga kaibigan at matitinik na kakompitensya rin. Marami kaming natutunan sa kanilang mga gawain at ito ang nagudyok samin na gumawa ng magandang kwalidad na proyekto. Pinakita nila sa amin na maraming magagawa kapag nagtutulungan ng taos puso ang isa’t isa.
Hinding hindi rin namin makakalimutan ang pagbibigay pasasalamat sa aming napakabuti at kabighanihani na propesor sa Filipino na si Ginang Zendel Taruc sa pamamahagi ng kanyang kaalaman at pagbibigay ng proyektong pamanahong papel. Naging mahirap ang paggawa ng isang pananaliksik sa papel ngunit ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang gawing magagaling ang kaniyang mga estudyante. Itong papel na ito ay patunay na hindi nasayang ang kanyang oras at pagsisikap sa pagtuturo sa aming lahat.
TALAAN NG MGA NILALAMAN
KABANATA 1. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN 4 – 7
? Introduksyon 4
? Layunin ng Pag – aaral 5
? Kahalagahan ng Pag – aaral 6
? Saklaw at Limitasyon ng Pag – aaral 7
? Depinisyon ng mga Terminolohiya 7
KABANATA 2. MGA KAUGNAY NA PAG – AARAL AT LITERATURA 8 – 12
KABANATA 3. DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK 13 – 43
Metodolohiya 13
? Disenyo ng Pananaliksik 13
? Instrumentong Pampananaliksik 13
? Mga Respondente 13 – 14
? Tritment ng mga Datos 14 – 15
Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos 15 – 44
KABANATA 4. LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON 44 – 46
? Lagom 44
? Kongklusyon 45
? Rekomendasyon 46
LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN 47
APENDIKS 47 – 48
I. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG – AARAL
1. Introduksyon
Sa tahanan simulang nahuhubog ang katauhan ng isang tao. Ang paaralan, bilang pangalawang tahanan ng mga estudyante ay ginagampanan rin ang tungkuling ito. Kapag sinabing paaralan, kadalasang naiisip ay ang lugar kung saan nag-aaral at natututo ng mga bagay-bagay ang tao. Ngunit hindi lamang puro impormasyon tungkol sa matematika, siyensa, o wika ang natututunan ng mga estudyante sa paaralan. Mayroong mga organisasyong maaaring salihan ang mga mag-aaral depende sa kanilang hilig. Ang mga organisasyong ito ay may mga gawaing maaaring humubog sa iba pang aspeto ng katauhan, at ito ang tinatawag na ekstrakurikular na mga gawain. Ito ang dahil kung kaya’t hindi lamang pang-intelektwal ang nalalaman o nakukuha ng mga mag-aaral sa pagpasok sa paaralan, nahahasa rin ang kanilang talento at kakayahan.
Ang ekstrakurikular na gawain ay kahit anong gawain na hindi saklaw ng kurikulum ng paaralan, ngunit ang mga gawaing ito ay kadalasang ginagawa sa loob ng paaralan. Ang oras na inilalaan dito ay labas sa oras ng aktwal na ‘pag-aaral’ ng mga mag-aaral. Sa kadahilanang ito, maaaring magkaroon ng epekto ang mga ekstrakurikular na gawain sa buhay akademiko ng mag-aaral, nakasasama man o benepisyal.
Sa Kolehiyo ng Narsing sa Unibersidad ng Santo Tomas ay mayroon ding mga organisasyong pang ektra-kurikular. Ito ay tulad ng Nursing Central Board of Students (NCBS) na may kinalaman sa pamumuno ng kolehiyo, Red Cross at Medical Missions Inc. (MMI) na patungkol naman sa kalusugan, Pax Romana na may kinalaman sa Katolisismo, at ang mga organisasyong patungkol sa sining ng pag-arte, pag-awit at pagsayaw tulad ng Nursing Dance Troupe at Nursing Chorale at ang organisasyong paborito ng nakararami, ang Varsity, na may kinalaman naman sa mga larong pampalakasan.
Nararapat lamang mabigyan ng impormasyon ang mga mag-aaral sa kolehiyo ukol sa mga ekstrakurikular na gawain ng mga organisasyon lalo na iyong mga nagbabalak pa lamang sumali sa organisasyong kanilang napiling salihan.
2. Mga Layunin
Ang pamanahong papel na ito ay naglalayong matuklasan ang epekto ng mga ekstra- kurikular na gawain sa mga kolehiyong mag – aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas Kolehiyo ng Narsing. Dito ay sinubukang tuklasin ang mga bunga, mabuti man o masama, sa mga respondenteng mag – aaral. Ang papel pananaliksik na ito ay nagbibigay ng impormasyon ukol sa ekstrakurikular na gawain sa kolehiyo at layuning masagot o matugunan ang sumusunod na tanong:
1. Bakit sumasali ang mga mag-aaral sa mga ekstra-kurikular na gawain?
2. Anu-ano ang mga benepisyo ng pagsali sa organisasyon?
3. Anu-ano ang epekto ng pagsali sa organisasyon sa pag-aaral ng mga mag-aaral?
4. Nakatutulong ba ang mga ekstra-kurikular na gawain sa pagkakaroon ng mataas na marka? O nakasasama ba ito sa pag-aaral?
5. Kung nakabubuti o nakatutulong ito sa pagbuti ng pag-aaral o pagtaas ng marka ng mag-aaral, paano ito nagagampanan ng pagsali sa ekstra-kurikular na gawain?
6. Kung nakapagdudulot ng hindi mabuti sa pag-aaral o pagbaba ng marka ng mag-aaral ang pagsali sa ekstra-kurikular na gawain, ano ang posibleng solusyon dito?
At higit sa lahat, nais din ng mga mananaliksik na mapatunayan ang epektibong gamit ng “Time Management” sa paghawak ng kanilang mga responsibilidad bilang mga mag – aaral na lider o miyembro ng mga organisasyon.
3. Kahalagahan ng Pag – aaral
Sa panahon ngayon, napakaraming mag-aaral ang nawiwiling sumali sa mga programang pang-ekstra kurikular sa kani-kanilang mga paaralan. Maraming naidudulot na epekto sa pag-aaral ang pagsali sa mga nasabing programa—Ito ay maaaring maging maganda dahil ito ay nakatutulong sa pag-aaral o di kaya’y maging masama dahil kung minsan ay nakalilimutan na ng mag-aaral na iyon ang kanilang mga prayoridad sa pag-aaral at dahil dito, napapabayaan na niya ang kanyang mga responsibilidad sa akademiko.
Mahalaga ang pag-aaral na ito upang malaman ng mga mag-aaral, lalo na iyong mga kasapi sa organisasyon at gumagawa ng mga ekstrakurikular na gawain, ang mga epekto ng mga nabanggit sa kanilang pag-aaral.
Matutulungan rin ng papel pananaliksik na ito ang mga dean’s listers na sumasali rin sa ekstrakurikular na gawain ng kanilang organisasyon dahil malalaman nila kung nakatutulong ba at sa kung anong paraan nakatutulong ang mga gawaing ito sa kanilang sitwasyon bilang dean’s lister.
Maaari rin itong maging gabay sa mga mag-aaral na balak sumali sa mga organisasyon. Malalaman nila kung ano ang mga benepisyo ng pagsali sa mga ekstrakurikular na gawain ng isang organisasyon at kung ano ang maidudulot ng mga gawaing ito sa kanilang pag-aaral at maaaring hanggang sila’y makatapos na.
Kung may makikita mang negatibong epekto sa pag-aaral ang mga ekstrakurikular na gawain ng organisasyon, ang pag-aaral na ito ay may mga posibleng solusyon ukol dito.
Sa pamamagitan ng papel pananaliksik na ito ay mabibigyan ng kaukulang impormasyon ang mga mag-aaral sa kolehiyo tungkol sa ekstra-kurikular na gawain at relasyon o epekto nito sa performance sa akademiko o pag-aaral.
4. Saklaw at Limitasyon
Pili lamang ang mga estudyanteng kinapanayam ukol sa kanilang karanasan kapag may ekstra-kurikular na gawain ang kanilang sinapiang organisasyon. Hindi sakop ng pag – aaral na ito ang paglalahad ng mga kwentong napagdaanan ng mga respondente. Ang iba pang aspeto ng kanilang buhay, bukod sa pag-aaral, na maaaring maapektuhan ng kanilang pagsali sa mga gawaing ito, tulad ng relasyon sa pamilya, kaibigan, pananampalataya, at iba pa, ay hindi na tinalakay sa pag-aaral na ito. Bagama’t nagbigay ng pahapyaw na pagtalakay ay nagpokus lamang ito sa mismong implikasyon ng pagiging isang aktibong mag –aaral at hindi na pinalawak pa ang mga detalye pagdating sa mga emosyonal na aspeto bunga ng mga karanasan.
5. Depinisyon ng mga Terminolohiya
? Gawaing ekstra-kurikular – mga aktibidad na nasa labas ng kurikulum ng isang unibersidad, kolehiyo o paaralan
? Organisasyon – isang grupo na may iisang hilig or interes
? Time management – praktis upang magamit ng maayos ang oras
? Career interest – propesyonal na karerang kinahihiligan ng isang indibidwal
II. MGA KAUGNAY NA PAG – AARAL AT LITERATURA
Depinisyon ng Gawaing Ekstra – Kurikular
Ayon kay Steven Dowshen, MD sa kanyang sinulat na artikulo sa Kidshealth.org, ang mga organisasyong ito ay hindi lang tungkol sa palakasan kundi pati narin sa iba’t ibang hilig ng mga mag-aaral. Halimbawa na dito ang choir, dance club at drama club na naglalayon mailabas ng mga mag-aaral ang kanilang mga talento. May mga organisasyon din na itinatag upang maihayag ng mga mag-aaral ang kanilang nararamdaman gamit ang pagsulat gaya ng mga pahayagan sa paaralan. Ang iba namang organisasyon ay binuo upang tipunin ang mga taong may magkakaparehong hilig.
Sa dami ng mga organisasyon, tiyak na maraming pagpipilian ang mga mag-aaral. Sa madaling salita, ang mga gawaing ekstra – kurikular ay uri ng mga gawaing kadalasan isponsor ng mga paaralan o unibersidad. Ito ay hindi kasama sa kurikulum na pang – akedemiko pero kadalasang ginaganap ang mga aktibidades nito sa loob ng paaralan o unibersidad. Kadalasan nangangailangan ito ng oras maliban sa regular na araw ng pasok. Gaya ng nasabi, ang mga ekstra – kurikular na gawain ay pwedeng magsimula kahit sa simpleng isports gaya ng basketbol at balibol, at pati na rin sa pagkanta, pagsayaw at pag – arte sa entablado.
Paraan ng Pagsali sa Gawaing Ekstra – Kurikular
Sa simula ng taong pampaaralan, ang mga guro gayundin ang mga punung-guro ay kadalasang may mga listahan ng mga programang maaaring salihan o di kaya’y gumawa ng anunsyo–halimbawa, ang iyong guro sa kasaysayan ay maaaring tagapayo ng kopunang pangdebate. Tumingin sa mga bulletin board at pati na rin sa mga diyaryo ng eskwelahan. Tanungin ang hilig ng mga kaibigan. Sumali kaagad o di kaya’y maghintay at tingnan kung ano ang iyong magiging iskedyul at saka sumali.
Tanungin ang tagapamahala ng isang programa o organisasyon bago sumali. Ang ilan sa mga bagay na maaaring tanungin ay ang mga sumusunod:
? Edad. Ikaw ay dapat nasa tiyak na edad o may tiyak na marka upang makasali
? Mga bayarin. Kailangan bang magbayad bago makasali? Magkano? Mayroon bang bayad para sa outings, mga damit na kailangan o sa iba pa? Isa pa, Maaaring maging obligasyon ang pagtulong sa pag-iipon ng pera ng nasabing grupo.
? Oras. Kung ikaw ay kasali sa mapagkumpitensiang isports mangangailangan ka ng oras upang magsanay at makipaglaban. At isa pa, nangangailangan din ng oras para maging handa sa laro sa aspetong emosyonal.
Pakinabang ng mga Gawaing Ekstra – Kurikular
Para sa nakararami, ang mga ekstra – kurikular na gawain ay makikita bilang isang oportunidad para masanay ang kakayahan ng pakikisalamuha sa iba’t – ibang uri ng tao. Nagkakaroon din ang isang indibidwal ng marami pang kakilala sa kanilang paaralan na kapareho niya ng hilig. Dahil dito, natututunan niya ang pakikisama sa iba at dumadami ang kanyang kaibigan. At para sa mga mag – aaral ng kolehiyo, ang pag-sapi sa mga ganitong uri ng gawain ay makapagbibigay ng daan upang makapageksperimento sila ng mga bagay na maaaring makalinang sa kanilang magiging career interest. Maaari din magbigay daan ito sa mga estudyanteng nahihirapan sa kanilang pag – aaral upang maiangat ang kanilang tiwala sa sarili.
Maraming mga ekstra – kurikular na gawain gaya ng mga dyaryong pang-paaralan, potograpiya at drama ang pwedeng luminang sa kakayahan o talento ng isang estudyante. Bukod dito, maaari ito makatulong sa magiging propayl pagdating ng panahon, lalo na sa pag – aaplay sa mga kolehiyo at maging sa mga trabaho sapagkat ito ay nagpapakita na ang isang tao ay aktibo hindi lang sa kanyang pag-aaral kundi pati sa ibang gawain.
Ang mga gradong pang – akademiko ay sadyang mahalaga sa isang propayl na pang-aplikasyon ngunit pakatandaaan na tinitingnan din ng mga employer ang ating kakayahan at talento sa iba’t – ibang mga larangan maging sa ekstra – kurikular. Kabilang na rin sa mga larangan na ito ay ang mga gawain pagkatapos ng pasok gaya ng Red Cross, mga pampulitikal na kampanya, pagboluntir, at marami pang iba.
Sa pamamagitan ng mga gawain na ito, lalawak ang ating kakayahang organisasyonal, matututo tayo ng tamang pagbalanse sa oras at magiging masaya ang ating pag – aaral. Ayon rin kay Dowshen sa kanyang sinulat na artikulo, madalas na dahilan sa pagsali ng mga mag-aaral sa mga organisasyon ay upang may iba silang pagkaabalahan. Sinabi rin niya na ang mga taong kabilang sa mga organisasyon ay mas may mababang posibilidad na magkaroon ng masamang gawi gaya ng bisyo.
Ang mga Dapat Isaalang – alang sa Pagkakaroon ng Gawaing Ekstra – Kurikular
Kaya naman sa pagpili ng isang ekstra – kurikular na gawain dapat isaalang – alang ang mga sumusunod: Una, dapat maging maaga. Ngayon pa lang habang bata ay magsimula na maging aktibo sa mga iba’t – ibang gawain sa paaralan o unibersidad. Pangalawa, dapat mangarap ng isang mataas na posisyon sa isang organisasyon dahil mas magiging kamangha – mangha at hamon kung ikaw ay gagawa ng marka sa isang larangan. Pangatlo, dapat lagi pagbutihin ang iyong gawain, at gumawa ng mabubuting gawain. Pang – apat, dapat maging malikhain. Pang – lima, dapat manatili ang pokus sa isang bagay at maging progresibo sa panahong nilalaan. At pang – anim, siguraduhin na gamitin ang iyong bakasyon. Gawing produktibo ang oras at gumawa ng mga bagay na maipagmamalaki.
Pag – aaral tungkol sa Ekstra – Kurikular na Gawain
Sa katunayan, ayon sa isang sarbey noong 2001 sa isyu ng “Journal of School Health” na nilathala noong Marso 2003, humigit sa 50,000 mag – aaral ng hayskul sa Minnesota na aktibo sa mga ekstra – kurikular na gawain ang nagpakita ng masmalusog na pagkilos sa larangan ng sosyal at emosyonal na lebel kaysa sa mga estudyanteng hindi aktibo.
Ang kadalasang problema lang ng mga ganitong gawain ay minsan ito ay nagiging mabigat na gawain at hindi kayang ipagsabay sa pag –aaral. Dapat maging handa ang isang estudyante bago pa magsimula ang semestre sa pamamagitan ng pag-gawa ng tamang iskedyul. Dapat rin isaalang – alang na dapat maging kasiya – siya ang mga aktibidades at hindi magdulot ng kahirapan sa mga estudyante, hindi rin dapat mawala ang balance nito sa pag –aaral.
Isports Bilang Isang Eksta – Kurikular na Gawain
Sa larangan naman ng isports, ang pagkakaroon ng sakit sa katawan ay hindi talaga maiwasan kaya dapat na ikondisyon ang katawan bago ang lahat. Inirorokomenda na bumisita sa isang pedya, upang magsagawa ng isang pisikal na eksaminasyon. Dapat ipagbigay alam din sa doktor kung anong klase ng isports ang tatahakin upang malaman kung anong parte ng katawan ang mabugbog, at sa pamamagitan nito makapagbibigay siya ng mga payo kung paano maiiwasan ang sakit sa katawan.
Responibilidad ng Magulang
Bukod sa mga estudyante, responsibilidad din ng mga magulang na siguraduhin na hindi sagabal ang magiging ekstra – kurikular na gawain ng kanilang anak sa pag – aaral. Kung mapapansin na ang kanilang anak ay madalas na irritable at nahihirapan sa konsentrasyon, ito ay maari sa kadahilanan na siya ay nahihirapan na. Kaya dapat isipin ang reyalidad ng tatahakin na gawain upang hindi masakripisyo ang pag – aaral.
Gawaing Ekstra-Kurikular: Sobrang Nakakabuti?
Ayon kay Steven Dowshen, madaling sumali sa maraming kapana-panabik na aktibidad. Magtanong muna kung maaari bago sumali. Malagay sa isang lugar kasama ang iyong talatakdaan sa paaralan, talatakdaan sa trabaho, at iba pang aktibidad at subukang ayusin ito. Sinabi rin ni Dowshen na ang bawat isa ay nagnanais ng panahong hindi nagtratrabaho kaya kung ang isang aktibidad ay masyado nang nakakaabala, hindi ito nababagay para sa iyo.
Mahalagang timbangin ang pag-aaral, mga ekstra-kurikular na aktibidad, social life, at ang iyong kalusugan kaya mahalaga rin na kumonsulta sa isang tagapayo o tagasanay kung sa tingin mong kinakailangan mo nang magbitiw sa organisasyon ngunit nararapat ring maging magalang sa pagpapaliwanag ng iyong sitwasyon at nararamdaman. May mga pagkakataon na hindi na kaya ng isang indibidwal ang hinihinging obligasyon ng grupo kaya may mga alternatibong paraan na maaaring gawin kung dumating sa puntong ito ang sitwasyon. Isa na rito ang pagsali sa ibang organisasyon na hindi kailangan ng masyadong maraming oras at obligasyon. Hindi kailangang ipagpilitan ang paglahok sa isang organisasyon kung may masamang epekto na ito sa pag-aaral kung kaya’t ang pagbibitiw ay mabuti na ring desisyon.
III. DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
1. Metodolohiya
a. Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamaraang deskriptib na pananaliksik. Sinubukang ilarawan sa pag-aaral na ito ang maaaring implikasyon ng pagiging miyembro ng isang ekstrakurikular na organisasyon sa pag-aaral ng isang mag-aaral sa kolehiyo ng Narsing sa UST.
b. Instrumentong Pampananaliksik
Isinagawa sa pamamagitan ng mga gabay na kwestyoneyr ang pag-aaral na ito. Naghanda ng isang interbyu – kwestyoneyr ang mga mananaliksik na naglalayong din makangalap ng mga datos upang malaman ang preperensya at damdamin ng mga respondente sa pagpili ng organisasyong sasalihan, mga salik na naka-aapekto sa pagpili ng organisasyon at ang kaalaman nila sa maidudulot ng pagsali sa mga organisasyon.
Bukod dito, ay nagsagawa din kami ng pangangalap ng impormasyon sa internet upang makakuha pa ng iba pang mahahalagang karagdagang impormasyon ukol sa pagsali sa mga organisasyon ng mga mag-aaral.
c. Respondente
Ang napiling mga respondente ng grupo ay ang mga mag – aaral ng Kolehiyo ng Narsing na nabibilang sa mga organisasyong pang – estudyante (student organizations) sa kasalakuyang taon ng 2007 – 2008.
Batay sa random sampling mula sa mga uri ng organisasyong pang – estudyante na napili ng grupo, naipamigay ang interbyu – kwestyoneyr sa (4) apat na miyembro ng NCBS, (4) apat na miyembro ng barsiti, (3) tatlong miyembro ng NDT, (2) dalawang miyembro ng Red Cross, at (3) tatlong miyembro ng Pax Romana. Ang organisasyon ng Red Cross at Pax Romana ay aming pagsasanibin sa isang grupo pagdating sa tritment ng mga datos sa kadahilanan na ang dalawang organisasyon na ito ay nasa ilalim ng “service oriented” na organisasyon.
Talahanayan 1
Distribusyon ng mga Respondente batay sa Uri ng Organisasyon
Uri ng mga Organisasyong Pang – estudyante Bilang ng respondente
Nursing Central Board of Students (NCBS) 4
Nursing Varsity 4
Nursing Dance Troop (NDT) 3
RCYC: Pax Romana 3
RCYC: Red Cross 2
Sila ay nabilang sa mga napiling organisasyon sapagkat ang mga organisasyon na ito ay sapat na maituturing aktibo sa loob ng Kolehiyo ng Narsing.
d. Tritment ng mga Datos
Ang pamanahong papel ng grupo ay isa lamang paglalahad ng epekto ng mga ekstra kurikular na aktibidades sa pag – aaral ng Kolehiyo ng Narsing sa UST kaya naman hindi ito nangangailangan ng mga numerikal na datos sa paglalarawan. Nangangailangan lamang ang pamanahong papel ng wastong pagsuri sa mga datos na nakuha mula sa interbyu – kwestyoneyr na sinagutan ng mga respondente.
Mula sa mga sagot na makukuha sa mga respondente, pipiliin lamang ng grupo ang mga tanong na mahalaga at may kinalaman sa pananaliksik papel at mula naman dito ay hahanguin ang mga pagkakapareho at pagkakaiba ng mga sagot. Sa pamamagitan ng pagkukumpara ng mga datos at impormasyon ay mahihinuha ang kongklusyon at maaring mga maging rekomendasyon.
2. Presentasyon, Pagsusuri, at Interpretasyon ng mga Datos
Pansinin ang mga sumusunod na dayalog dahil ang mga sumusunod ay ang mismong aktwal na mga impormasyon na nakuha mula sa mga respondente:
Respondente: Kathrine Apostol – ikalawang kalihim ng NCBS
Mananaliksik: Ano ang iyong katungkulan sa nasabing organisasyon? Ikaw ba ay isang aktibong miyembro?
Respondente: Dating ikalawang kalihim, ngayon uupong presidente.
Mananaliksik: Kamusta ang iyong pag-aaral?
Respondente: Mabuti naman.
Mananaliksik: Ikaw ba ay nakapaghahanda ng mabuti bago ang isang pagsusulit?
Respondente: Kadalasan.
Mananaliksik: Ikaw ba ay aktibo pa din sa klase?
Respondente: Oo.
Mananaliksik: Ikaw ba ay may naibagsak na pagsusulit dahil hindi ka nakapaghanda?
Respondente: Oo.
Mananaliksik: Ano ang iyong pananaw sa pagkakaroon ng student organizations sa kolehiyo? Bakit ka sumali?
Respondente: Sa tingin ko, basta nababalanse ang oras, nararapat lang ang pagsali ng mga estudyante sa organizations dahil ito ang humuhubog sa iba pang talentong mayroon ang estudyante. Sumali ako dahil nais kong makatulong sa mga estudyante at para mahubog ang aking talento.
Mananaliksik: Ano ang mga factors na pwedeng makaimpluwensiya sa pagsali mo sa student organizations?
Respondente: Oras, mga gawain sa school, mga tao sa organisasyon, bigat ng gagawin sa organisasyon.
Mananaliksik: Ano ang pinakagusto mong bahagi ng iyong organisasyon?
Respondente: “Fulfillment” sa sarili dahil madaming natutulungan, fulfillment din dahil nagagawa ko ang mga bagay na akala ko imposibleng gawin, mga bagong kaibigan at iba’t ibang taong nakikilala.
Mananaliksik: May napapansin ka bang mga pagbabago sa iyo mismo at sa pag-aaral mo nang nagsimula kang sumali?
Respondente: Mas marami akong mga nakilala.
Mananaliksik: Sa pag-aaral, may mga positibo at negatibong epekto ba ito? Ano ang iyong reaksyon?
Respondente: Positibo, wala ng panahon mag-procrastinate, pressure na kailangang mataas ang makuhang marka. Negatibo, hindi na ganoon kahaba ang oras na maaaring mag-aral.
Mananaliksik: Ano ang iyong mga paraan upang mapagsabay ang ekstrakurikular na gawain sa pag-aaral?
Respondente: Gawin na ang mga leksyon o projects ng mas maaga at medyo bawas sa gimmicks.
Mananaliksik: Masaya ka ba sa iyong naging desisyon sa pagsali sa iyong organisasyon?
Respondente: Oo, sobra.
Mananaliksik: Ikumpara ang iyong study habits noon at ngayon.
Respondente: Ngayon, kailangan ng tapusin ang mga leksyon ng mas maaga, hindi na pwedeng ipagpabukas dahil marami ng gagawin kinabukasan. Ngayon, kailangang mas pag-igihan pa ang pag-aaral para mapatunayan na kayang balansihin ang org (organisasyon) at studies.
Respondente: Royce Ong – NCBS staffer
Mananaliksik: Ano ang iyong katungkulan sa nasabing organisasyon? Ikaw ba ay isang aktibong miyembro?
Respondente: Ako ay isang baguhang kasapi pa lamang sa mga organisasyong ito kaya hindi pa mabibigat ang aking mga katungkulan. Kadalasang ginagawa ko lamang ay magbigay tulong sa mga mas nakakataas kaysa sa akin, tumulong sa pagkalat ng mga bagong proyekto sa mga estudyante at maging handa kapag may mga kaganapan na kulang ang bilang ng mga tutulong sa proyekto. Masasabi ko naman na ako ay isang aktibong miyembro sapagkat ni isang beses ay hindi pa ako lumiban sa mga miting at ginagawa ko ang lahat ng tungkuling ibinibigay sa akin ng mas nakakataas sa akin.
Mananaliksik: Kamusta ang iyong pag-aaral?
Respondente: Mabuti naman ang aking pag-aaral dahil hindi ito masyadong naaapektuhan ng aking mga gawain sa mga iba’t ibang organisasyon.
Mananaliksik: Ikaw ba ay nakapaghahanda ng mabuti bago ang isang pagsusulit?
Respondente: Oo naman sapagkat mayroon akong sapat na oras na mag-aral kung may mga pagsusulit o mga recutation sa araw na iyon.
Mananaliksik: Ikaw ba ay aktibo pa din sa klase?
Respondente: Oo dahil hindi natatamaan ng mga miting ang skedyul ko sa klase kasi kadalasan ay sa dismissal nagaganap ang mga nasabing miting.
Mananaliksik: Ikaw ba ay may naibagsak na pagsusulit dahil hindi ka nakapaghanda?
Respondente: Hindi pa ito nangyayari kung sa usapang hindi nakapaghanda dahil may gawain sa mga organisasyon aking kinabibilangan.
Mananaliksik: Ano ang iyong pananaw sa pagkakaroon ng student organizations sa kolehiyo? Bakit ka sumali?
Respondente: Mabuti ito sapagkat mararamdaman naming mga estudyante na parte kami talaga ng aming kolehiyo, maipamahagiang maing mga talento at ma-express ang aming mga ideya at saloobin para maging mas memorable nag aming pananatili sa kolehiyo. Sumali ako sapagkat gusto kong maging mas exciting ang aking pananatili at hindi puro aral lamang ang aking gagawin. Gusto ko ring makatulong sa iba’t ibang tao kaya sumali ako sa mga organisasyon. Dahil sa pagsali ko nagkaroon ako ng mas malawak na network at lalo nitong napapadali sa aking pagtagal sa kolehiyo.
Mananaliksik: Ano ang mga factors na pwedeng makaimpluwensiya sa pagsali mo sa student organizations?
Respondente: Ang mga benepisyo na natatanggap, imortansya ng naibabahagi sa mga tao, ang kakayahan ng mga opisyal sa organisasyon at epekto sa pagaaral.
Mananaliksik: Ano ang pinakagusto mong bahagi ng iyong organisasyon?
Respondente: Yung pinakakikinggan pa rin ang aking mga saloobin kahit na baguhan pa lamang ako sa grupo.
Mananaliksik: May napapansin ka bang mga pagbabago sa iyo mismo at sa pag-aaral mo nang nagsimula kang sumali?
Respondente: Mas naging responsible at malikhain ako sa aking mga gawain at napadali nito ang aking pagaaral dahil dumami ang aking mga kakilala sa iba’t ibang taon.
Mananaliksik: Sa pag-aaral, may mga positibo at negatibong epekto ba ito? Ano ang iyong reaksyon?
Respondente: Positibo dahil mas napapadali nito ang aking pag-aaral at negatibo naman kung matatamaan ang aking mga papasukang klase dahil sa may proyekto o miting na gagawin ang mga organisasyon.
Mananaliksik: Ano ang iyong mga paraan upang mapagsabay ang ekstrakurikular na gawain sa pag-aaral?
Respondente: Dapat ay siguraduhin na kapag sumali sa isang organisasyon ay sapat mong matutugunan ang iyong pag-aaral at ang iyong tungkulin sa organisasyong nais mong salihan.
Mananaliksik: Masaya ka ba sa iyong naging desisyon sa pagsali sa iyong organisasyon?
Respondente: Oo, dahil hindi na nga ito nakakaabala sa aking pag-aaral, nakakatulong pa pala ito at kasabay pa nito ay nakakatulong ako upang maging mas maganda ang pananatili naming mga mag-aaral sa kolehiyo.
Mananaliksik: Ikumpara ang iyong study habits noon at ngayon.
Respondente: Parehas pa rin sila dahil noong nasa hayskul pa lamang ako ay kasali rin ako sa iba’t ibang mga organisasyon.
Respondente: Ina Pangan – NCBS Staffer
Mananaliksik: Ano ang iyong katungkulan sa nasabing organisasyon? Ikaw ba ay isang aktibong miyembro?
Respondente: Junior NCBS staffer
Mananaliksik: Kamusta ang iyong pag-aaral?
Respondente: Mabuti. Hindi naman naapektuhan ang aking pag-aaral dahil sa pagsali ko sa NCBS.
Mananaliksik: Ikaw ba ay nakapaghahanda ng mabuti bago ang isang pagsusulit?
Respondente: Oo, pero may mga times na hindi kung masyadong hectic ang iskedyul. Pero hindi nangyari kahit minsan na ang dahilan ay ang pagsali ko sa organisasyon.
Mananaliksik: Ikaw ba ay aktibo pa din sa klase?
Respondente: Oo.
Mananaliksik: Ikaw ba ay may naibagsak na pagsusulit dahil hindi ka nakapaghanda?
Respondente: Wala.
Mananaliksik: Ano ang iyong pananaw sa pagkakaroon ng student organizations sa kolehiyo?
Respondente: Mahalaga ang magkarron ng student organizations dahil kailangan ang holistic ang training ng mga estudyante.
Mananaliksik: Ano ang mga factors na pwedeng makaimpluwensiya sa pagsali mo sa student organization?
Respondente: Mga kaibigan, at kung aktibo ang organisasyon na iyon.
Mananaliksik: Ano ang pinakagusto mong bahagi ng iyong organisasyon?
Respondente: Ang oportunidad na makasama sa mga pag-organize ng mga events tulad ng Nursing Week.
Mananaliksik: May napapansin ka bang pagbabago sa iyo mismo at sa pag-aaral nang magsimula kang sumali?
Respondente: Oo, nahahati ang oras ko sa akademiks at ekstra-kurikular na mga gawain.
Mananaliksik: Sa iyong pag-aaral, may positibo at negatibong epekto ba ito? Ano ang iyong reaksyon?
Respondente: Nakabubuti naman ito sa holistic development ng isang estudyante ngunit nagkakaroon ng negatibong epekto ito kapag mas magpokus at mas mabigyan ng atensyon ang mga gawaing ekstra-kurikular.
Respondente: Cib Buhay – NCBS Staffer
Mananaliksik: Ano ang iyong katungkulan sa nasabing organisasyon? Ikaw ba ay isang aktibong miyembro?
Respondente: Junior NCBS staffer
Mananaliksik: Kamusta ang iyong pag-aaral?
Respondente: Maayos naman pero minsan bumagsak.
Mananaliksik: Ikaw ba ay nakapaghahanda ng mabuti bago ang isang pagsusulit?
Respondente: Oo.
Mananaliksik: Ikaw ba ay aktibo pa din sa klase?
Respondente: Oo.
Mananaliksik: Ikaw ba ay may naibagsak na pagsusulit dahil hindi ka nakapaghanda?
Respondente: Oo, pero hindi ito dahil sa pagsali ko sa organisasyon.
Mananaliksik: Ano ang iyong pananaw sa pagkakaroon ng student organizations sa kolehiyo?
Respondente: Mabuti ito kung nakakayanang ipagsabay ng estudyante ang pag-aaral at ekstra-kurikular na gawain. Kailangang matuto magkaroon ang isang estudyante kung sakaling gusto man niyang sumali sa isang student organization.
Mananaliksik: Ano ang mga factors na pwedeng makaimpluwensiya sa pagsali mo sa student organization?
Respondente: Mga kaibigan at grades.
Mananaliksik: Ano ang pinakagusto mong bahagi ng iyong organisasyon?
Respondente: Mga outings.
Mananaliksik: May napapansin ka bang pagbabago sa iyo mismo at sa pag-aaral nang magsimula kang sumali?
Respondente: Mas marami akong nakikilala.
Mananaliksik: Sa iyong pag-aaral, may positibo at negatibong epekto ba ito? Ano ang iyong reaksyon?
Respondente: Wala pong negatibong epekto kung magkakaroon lang tamang time management.
Mananaliksik: Ano ang iyong mga paraan upang mapagsabay ang ekstra-kurikular na gawain sa pag-aaral?
Respondente: Uunahin ko ang pag-aaral bago ang ekstra-kurikular na gawain.
Mananaliksik: Masaya ka ba sa iyong naging desisyon sa pagsali sa iyong organisasyon?
Respondente: Oo.
Mananaliksik: Ikumpara ang iyong study habits noon at ngayon.
Respondente: Pareho lang ang study habits ko noon at ngayon.
Respondente: Clark – Pax Romana
Mananaliksik: Ano ang iyong katungkulan sa nasabing organisasyon?
Respondente: Sa NASA, ako ay Vice – Captain ng SocSci Team, pero wala akong definite position kasi mas maraming higher years na myembro ang organisasyon. Active ako sa NASA at lumaban na ako sa SocSci quiz nung 4th place lang dahil sa legalitites ng rules. Sa ComElec, ako ay Deputy, active ako dito nung nakaraang eleksyon. SA Pax Romana naman, Assistant Head ako ng Catechetical community. Sa Nursing Journal, ako ay isang News writer. Sa NCBS, Junior staffer at TLA lecturer.
Mananaliksik: Kamusta ang iyong pag – aaral?
Respondente: Gumaganda ang aking pag – aaral. Tumaas ang grades ko siguro dahil na rin pag marami kang ginagawa, mawawalan ka na ng time para mag – aaral ; na mas motivated ka na wag nang matulog para pumasa. At least, it works for me, pag cramming na, mas nakakapag – aral ako. Kaya, nag- dota muna kami hanggang 1 AM sa lahat ng araw ng Prelims, at mataas naman nakuha ko. Yun nga lang, 2 oras lang ang tulog namin.
Mananaliksik: Ikaw ba ay nakakapaghanda ng mabuti bago ang isang pagsusulit?
Respondente: Sa totoo lang, hindi. Kasi summary na lang ang binabasa namin. Lalo na nung 1st year kami, sa Zoo Lec summary lang tapos ok na. Sorry, pero sa Chem Lab at Zoo Lab, ‘di gumagana yun, babagsak kami pag ganun ang ginawa namin. Pero sabagay, bumabagsak pa rin kami minsan kahit mag – aral kami.
Mananaliksik: Ikaw ba ay aktibo pa din sa klase?
Respondente: Hindi na, kasi pag naglelecture o nagrereporting, palagi akong natutulog lalo na pag super boring na ang topic. Pero pag may post – test after (gaya ng Nutrition namin) titiisin ko ang antok ko kasi babagsak ako.
Mananaliksik: Ikaw ba ay may naibagsak na pagsusulit dahil hindi nakapaghanda?
Respondente: Kahit naman mag – aral ka, minsan babagsak ka pa rin eh. Normal lang sa mga stuents ng college of Nursing. Wag na yang mga DL na yan, madalang bumagsak yan. DL number 1 nga siguro ‘di pa nakakaranas ng bagsak.
Mananaliksik: Ano ang iyong pananaw sa pagkakaroon ng student organizations sa kolehiyo? Bakit ka sumali?
Respondente: Hmm… Actually, ang first org ko ay ang NASA, gusto ko sumali dahil matagal ko nang hilig ang lumaban sa mga quiz bees. Sa NJ, dahil mahilig akong magsulat at maki – tsismis ng mga balita. Sa ComElec, wala lang, astig kasi eh. Sa Pax, dahil sacristan ako at gusto ko mag -serve sa simbahan. sa Tomasinotaku, mahilig ako sa Anime e saka magsalita ng Japanese. Maganda ang mga student orgs, nililinang nila holistically ang inyong pagkatao.
Mananaliksik: Ano ang mga factors na pwedeng makaimpluwensya sa pagsali mo sa stuent organizations?
Respondente: Tingin ko, hilig rin yan eh. Kung saan ka mahilig. dun ka sumali. Too bad, hindi ako ganun ka – active sa Tomasinoku. Wala kasi time.
Mananaliksik: Ano ang pinakagusto mong bahagi ng iyong organisasyon?
Respondente: Yung quiz bee for NASA, yung elections for ComElec, yung pag – publish ngarticle mo sa NJ, pagseserve sa simbahan sa Pax Romana.
Mananaliksik: May napansin ka bang mga pagbabago sa iyo mismo at sa pag – aaral mo ng magsimula kang sumali?
Respondente: oo, mas sinipag ako.
Mananaliksik: Sa pag – aaral, may positibo at negatibong epekto ba ito?Ano ang iyong reaksyon?
Respondente: Positive, lahat naman gumanda eh. So far, ang negative minsan, nung hindi ako nakapasok nung Pedia. 24 / 35 lang ako nung unang – quiz. Wala kasi nagpahiram ng Notes sa akin eh. Nadepress ako un, kasi sila 33,33/ Pero, nachambahan ko yung prelims dun. 92 / 100 ako, sila, 70+_ lang. Ganun, mas namomotivate ka mag – aral.
Mananaliksik: Ano ang iyong paraan upang mapagsabay ang ekstra – kurikular na gawain sa pag -aaral?
Respondente: Naku, excused ka naman eh haha. Ganun lang, time management. Ako ang dami kong org, pero may time pa ako for DotA sessions saka pag -aaral.
Mananaliksik: Masaya ka ba sa iyong naging desisyon sa pagsali sa iyong organisasyon?
Respondente: Oo naman. No regrets. Well, meron siguro haha, pag may miscommunication sa mga members at yung minsanang pagbagsak mo sa exams.
Mananaliksik: IKumpara ang iyong study habits noon ay ngayon.
Respondente: Hmm. At least ngayong 2nd year ako, ams gumanda ang study habits ko, kasi mas RUSH na kaysa nung first year. Dami kasing free time nung 1st year, parang Logic (break time yun or early lunch or extended lunch haha). Kasi ako, mas tinatamad ako mag – aaral pag alam ko na marami pang time para dun, kaya tinutulog ko lang. Unlike na kapag alam mong wala na talagang time para mag -aral, nagkakaroon ng “fight – or – flight” response. Either aabsent ka or RUSH study. Gumagana ang adrenal glands mo at mag – rerelease ng beta – epinephrine, mas receptive ngayon ang brain sa info kaysa kapag di ka nag – rurush mag – aral. At least yan ang theory ko para sa aking sitwasyon. SAka mas motivated ka mag – aral, misan din kasi nasa motivation yan eh. Kung galit ka sa chem, talgang babagsak ka dun. pero kung hilig mo yun, at mag-aaral ka papasa ka talaga.
Respondente: Miyembro ng Pax Romana – Executive Vice President
Mananaliksik: ano ang iyong katungkulan sa nasabing organisasyon? Ikaw ba ay isang aktibong miyembro?
Respondente: oo naman, ako ang executive vice president ng aming organisasyon
Mananaliksik: kamusta ang iyong pag – aaral?
Respondente: mahirap ang subjects pero ayos lang
Mananaliksik: ikaw ba ay nakapaghahanda ng mabuti bago ang isang pasusulit?
Respondente: depende ito sa situation
Mananaliksik: ikaw ba ay aktibo pa din sa klase?
Respondente: oo naman
Mananaliksik: ikaw ba ay may naibagsak na pagsusulit dahil hindi nakapaghahanda?
Respondente: oo
Mananaliksik: ano ang iyong pananaw sa pagkakaroon ng student organizations sa kolehiyo? Bakit ka sumali?
Respondente: “different organizations in the college help students enhance their skills and knowledge… different orgs also help students to have a more fruitful and memorable college life… I joined this organization because I want to explore new things and meet new people.”
Mananaliksik: ano ang mga factors na pwedeng makaimpluwensya sa pagsali mo sa student organizations?
Respondente: wala naman, choice ko lang talaga na sumali sa pax at siguro dahil Catholic ako and a member/officer of a religious org when I was in high school
Mananaliksik: ano ang pinakagusto mong bahagi ng iyong organisasyon?
Respondente: friendship with the members and other officers and the outreach programs
Mananaliksik: may napapansin ka bang mga pagbabago sa iyo mismo at sa pag – aaral mo nang nagsimula kang sumali?
Respondente: I became more relaxed and more confident
Mananaliksik: sa pag – aaral, may mga positibo at negatibong epekto ba ito? ano ang iyong reaksyon?
Respondente:
positibo – it lessen the pressure that i felt about the cut off grade during first year
negatibo – minsan nakakapagod kaya nakakatulog habang nagrereview
Mananaliksik: ano ang iyong paraan upang mapagsabay ang ekstra – kurikular na gawain sa pag – aaral?
Respondente: time management and prioritize things
Mananaliksik: masaya ka ba sa iyong naging desisyon sa pagsali sa iyong organisasyon?
Respondente: oo, ako ay masaya
Mananaliksik: ikumpara ang iyong study habits noon at ngayon
Respondente: “almost the same… but i think, mas masipag ako mag – aral nung first year kasi may cut – off grade
Respondente: Wilfred Guilaran – Redcross
Mananaliksik: ano ang iyong katungkulan sa nasabing organisasyon? Ikaw ba ay isang aktibong miyembro?
Respondente: Ako ang Presidente ng organisasyong ito. Definitely, I’m an active officer of this org.
Mananaliksik: kamusta ang iyong pag – aaral?
Respondente: It’s fine. I’m doing my best to manage it along with my extra curricular activities.
Mananaliksik: ikaw ba ay nakapaghahanda ng mabuti bago ang isang pagsusulit?
Respondente: Hindi sa sobrang paghahanda, pero nag aaral ako bago ang isang pagsusulit. Just enough for me to answer the questions.
Mananaliksik: ikaw ba ay aktibo pa din sa klase?
Respondente: Somehow, in some ways, I participate in the class activities.
Mananaliksik: ikaw ba ay may naibagsak na pagsusulit dahil hindi ka nakapaghanda?
Respondente: yup, uu naman. And I guess it does happen. I admit, may mga pagkakataong hindi ako handa sa pagsusulit but I do my best to prepare in the succeeding quizzes.
Mananaliksik: ano ang iyong pananaw sa pagkakaroon ng student organizations sa kolehiyo? Bakit ka sumali?
Respondente: Having organizations in the college is great! These will give the students means to expose their talents and skills especially their leadership. These will serve as their outlet from the toxic and hectic academic life. I chose to join organizations because I think it’s already my life and I am born with this desire for extra curricular activities. I could say, my life wouldn’t have been this fulfilling it not for the organizations that I have joined – especially the Red Cross Youth Council.
Mananaliksik: ano ang mga factors na pwedeng makaimpluwensya sa pagsali mo sa student organizations?
Respondente: The activities that the organizations do and friends of course and I’d consider as well my interests and hobbies.
Mananaliksik: ano ang pinakagusto mong bahagi ng iyong organisasyon?
Respondente: What I like most about our organization is how it serves people voluntarily, expecting nothing in return. It also allows me/us to bond with other people and friends not only within the college and university but also from other cities and provinces. We get to know people who are Red Crossers and even those who are not. We do this in the service of others.
Mananaliksik: may napapansin ka bang mga pagbabago sa iyo mismo at sa pag – aaral mo nang nagsimula kang sumali?
Respondente: Yes, of course. My college life has become more fun, interesting and so memorable because of the organizations that I joined.
Mananaliksik: sa pag – aaral, may mga positibo at negatibong epekto ba ito? Ano ang iyong reaksyon?
Respondente: Yes both negative and positive effects. But I think there are more advantages for me than disadvantages. It’s normal I think. It’s only up to me, to the student, how he would balance his activities. Negative effects only come when the student is not able to manage his studies and extra curricular activities well. As for me, I love doing both so, I see to it I get to balance them.
Mananaliksik: ano ang iyong mga paraan upang mapagsabay ang ekstra – kurikular na gawain sa pag – aaral?
Respondente: Prioritization. That’s it. I should know how to prioritize everyday.
Mananaliksik: masaya ka ba sa iyong naging desisyon sa pagsali sa iyong organisasyon?
Respondente: Yes, I am very very happy. Definitely, happy.
Mananaliksik: ikumpara ang iyong study habits noon at ngayon.
Respondente: Well, nothing really has changed. Just the same.
Respondente: Ivane Aquino – Red Cross
Mananaliksik: ikaw ba ay may naibagsak na pagsusulit dahil hindi ka nakapaghanda?
Respondente: hindi pa naman ako bumabagsk sa isang pagsususlit
Mananaliksik: ano ang iyong pananaw sa pagkakaroon ng student organizations sa kolehiyo? bakit ka sumali?
Respondente: masaya ang may ibang ginagawa, para hindi puro aral..at tsaka may oportunidad para mapaganda o ma-practice ang skills o kaalaman..
Mananaliksik: ano ang mga factors na pwedeng makaimpluwensya sa pagsali mo sa student organizations?
Respondente: registration fee, grades, motivational factors, friends, benefits, time management, family, self evaluation, activities sa org
Mananaliksik: ano ang pinakagusto mong bahagi ng iyong organisasyon?
Respondente: na pwede kang maging non active pero pwede pa ring sumali sa mga activites..
Mananaliksik: may napapansin ka bang mga pagbabago sa iyo mismo at sa pag – aaral mo nang nagsimula kang sumali?
Respondente: wala
Mananaliksik: sa pag – aaral, may mga positibo at negatibong epekto ba ito? Ano ang iyong reaksyon?
Respondente: masasabi ko na wala itong masama o positibong naidulot dahil hindi ako aktibo
Mananaliksik: ano ang iyong mga paraan upang mapagsabay ang ekstra – kurikular na gawain sa pag – aaral?
Respondente: kung ano ang pakiramdam kong ninanais kong gawin yun ang uunahin ko, basta may sapat na oras, gayunpaman laging priority ang studies
Mananaliksik: masaya ka ba sa iyong naging desisyon sa pagsali sa iyong organisasyon?
Respondente: hindi
Mananaliksik: ikumpara ang iyong study habits noon at ngayon
Respondente: lalao lang akong naging tamd lalo na at masnakakapagod ang mga gawain ngayon
Respondente: Paulo Benzon – Swim Team
Mananaliksik: Ano ang iyong katungkulan sa nasabing organisasyon? Ikaw ba ay isang aktibong miyembro?
Respondente: Taga-langoy lamang. Oo, ako ay aktibo.
Mananaliksik: Kamusta ang iyong pag – aaral?
Respondente: Ok naman kasi steady.
Mananaliksik: Ikaw ba ay nakapaghahanda ng mabuti bago ang isang pagsusulit?
Respondente: Minsan hindi, minsan naman oo.
Mananaliksik: Ikaw ba ay aktibo pa din sa klase?
Respondente: Oo, ako ay aktibo sa klase.
Mananaliksik: Ikaw ba ay may naibagsak na pagsusulit dahil hindi ka nakapaghanda?
Respondente: Oo, bumagsak nako dahil sa hindi paghanda.
Mananaliksik: Ano ang iyong pananaw sa pagkakaroon ng student organizations sa kolehiyo? Bakit ka sumali?
Respondente: Magandang ideya ito. Sumale ako kasi gusto ko makatulong sa kolehiyo.
Mananaliksik: Ano ang mga factors na pwedeng makaimpluwensya sa pagsali mo sa student organizations?
Respondente: Yung mga kakayahan ng estudyante pati na rin siguro yung paraan ng pagimbita ng student organization.
Mananaliksik: Ano ang pinakagusto mong bahagi ng iyong organisasyon?
Respondente: Yung training yung paborito kong bahagi sa aking organisasyon.
Mananaliksik: May napapansin ka bang mga pagbabago sa iyo mismo at sa pag – aaral mo nang nagsimula kang sumali?
Respondente: Oo may napapansin ako.
Mananaliksik: Sa pag – aaral, may mga positibo at negatibong epekto ba ito? Ano ang iyong reaksyon?
Respondente: Negatibo ngunit hindi ganon ka grabe. Ibalanse ang pag-aaral sa mga gawaing pang organization.
Mananaliksik: Ano ang iyong mga paraan upang mapagsabay ang ekstra – kurikular na gawain sa pag – aaral?
Respondente: Good time management ang paraan ko.
Mananaliksik: Masaya ka ba sa iyong naging desisyon sa pagsali sa iyong organisasyon?
Respondente: Oo masaya ako.
Mananaliksik: Ikumpara ang iyong study habits noon at ngayon.
Respondente: Ako ay sumipag kompera sa dati.
Respondente: Lena Cruz – Basketball Varsity
Mananaliksik: Ano ang iyong katungkulan sa nasabing organisasyon? Ikaw ba ay isang aktibong miyembro?
Respondente: Sa ngayon, simpleng miyembro lamang ako ng aming kupunan. Masasabi ko naman na ako ay isang aktibong miyembro dahil madalas akong pumunta sa mga training at games.
Mananaliksik: Kamusta ang iyong pag – aaral?
Respondente: Sa palagay ko, maayos pa naman ang aking pag-aaral. Paminsan nga lang ay nahihirapan ako na humabol sa mga leksyon dahil sa hindi ako nakakapunta sa mga class discussions dahi sa games. Pero sa pangkalahatan, nakakayanan ko naman na pagsabayin ang pagiging aktibo sa team at ang pag-aaral.
Mananaliksik: Ikaw ba ay nakapaghahanda ng mabuti bago ang isang pagsusulit?
Respondente: Paminsan, kung sobrang pagod na, kaunting oras lamang ang naiuukol ko para sa pag-aaral ngunit ginagwa ko naman ang aking makakaya upang paghandaan ng mabuti ang bawat pagsususlit.
Mananaliksik: Ikaw ba ay aktibo pa din sa klase?
Respondente: Oo. Lagi pa rin akong sumasagot sa klase at nakikinig din ako ng mabuti sa mga lektyur.
Mananaliksik: Ikaw ba ay may naibagsak na pagsusulit dahil hindi ka nakapaghanda?
Respondente: Meron na ata. pero kaunti na lamang na puntos ay pasado na sana ako!
Mananaliksik: Ano ang iyong pananaw sa pagkakaroon ng student organizations sa kolehiyo? Bakit ka sumali?
Respondente: Sa palagay ko, mabuting sumali sa mga organisasyon dahil nililinang nito ang “social skills” ng isang estudyante. Nang dahil sa mga organsasyong ito, nagkakaroon ang isang mag-aaral ng karagdagang kaibigan. Nagkakaroon ang isang estudyante ng karagdagang “support groups”.
Respondente: Sumali ako sa Nursing Varsity Council (NVC) dahil nais ko talagang makapaglaro ng basketbol para sa kolehiyo ng Narsing. Hilig ko talaga ang paglalaro nito at ito ang nagiging motibasyon ko upang mag-aral ng mabuti.
Mananaliksik: Ano ang mga factors na pwedeng makaimpluwensya sa pagsali mo sa student organizations?
Respondente: Ang pinakamalaking factor na nakaimpluwensya sakin ay ang hilig ko sa isports. Dahil nga motibasyon ko ito sa pag-aaral, isa rin iyong factor kaya ako sumali sa NVC.
Mananaliksik: Ano ang pinakagusto mong bahagi ng iyong organisasyon?
Respondente: Pinakagusto ko sa kupunan namin ay ang mga ala-alang nabubuo namin sa loob at labas ng basketball court. Yung samahan naming hindi lang bilang isang team kundi bilang magkakaibigan at magkakapamilya, yan talaga ang pinakagusto ko sa team.
Mananaliksik: May napapansin ka bang mga pagbabago sa iyo mismo at sa pag – aaral mo nang nagsimula kang sumali?
Respondente: Mas nalinang ang kasanayan ko sa pagbabalanse ng aking mga ginagawa. Napansin ko din na talagang natututo akong magpursigi sa pag-aaral.
Mananaliksik: Sa pag – aaral, may mga positibo at negatibong epekto ba ito? Ano ang iyong reaksyon?
Respondente: Meron pareho ngunit para sa akin, hindi ko na gaanong napapansin yung mga negatibo dahil natatabunan na ito nung mga positibong epekto. Naniniwala kasi ako na kung talagang gusto mo ang isang bagay na iyong ginagawa, kahit gaano pa kahirap ito, mapapawi ng kasiyahan ang lahat ng paghihirap mo.
Mananaliksik: Ano ang iyong mga paraan upang mapagsabay ang ekstra – kurikular na gawain sa pag – aaral?
Respondente: Nirerekord ko ang mga lektyur na hindi ko napupuntahan at pinakikinggan ko ito sa gabi upang makapagtala ng mga importanteng impormasyon na nabanggit sa klase.
Mananaliksik: Masaya ka ba sa iyong naging desisyon sa pagsali sa iyong organisasyon?
Respondente: OO NAMAN!!
Mananaliksik: Ikumpara ang iyong study habits noon at ngayon.
Respondente: Mas masipag na akong mag-aral ngayon at talagang pinagtutuunan ko ng pansin ang aking pag-aaral. Dati kasi ay madalas akong mag-cram at hindi ko gaanong pinaghahandaan ang ilang gawain sa eskwela pero ngayon, sinisiguro kong 101% ng efforts ko ay ibinibigay ko sa lahat ng pinagagawa para sa klase.
Respondente: Andrei Avellanosa – Basketball Varsity
Mananaliksik: Ano ang iyong katungkulan sa nasabing organisasyon? Ikaw ba ay
isang aktibong miyembro?
Respondente: Sentro, oo, ako ay isang aktibong miyembro nito.
Mananaliksik: Kamusta ang iyong pag – aaral?
Respondente: Maayos naman at hindi naman ako bumabagsak (Ehehehehe!)
Mananaliksik: Ikaw ba ay nakapaghahanda ng mabuti bago ang isang pagsusulit?
Respondente: Oo, puyat nga lang dahil sa gabi na rin ang training. IF THERE’s A
WILL THERE’s A WAY!
Mananaliksik: Ikaw ba ay aktibo pa din sa klase?
Respondente: Sobra, Kala mo nga adik eh kasi hyper pa rin.
Mananaliksik: Ikaw ba ay may naibagsak na pagsusulit dahil hindi ka
nakapaghanda?
Respondente: Wala pa naman. Pero siyempre minsan mababa.
Mananaliksik: Ano ang iyong pananaw sa pagkakaroon ng student organizations sa
kolehiyo? Bakit ka sumali?
Respondente: Gusto ko maglaro ng basketball at gusto kong mapatunayan na
kaya kong makapag-aral habang naglalaro.
Mananaliksik: Ano ang mga factors na pwedeng makaimpluwensya sa pagsali mo
sa student organizations?
Respondente: Pangarap, mga pagsubok at mga bagong kaibigan.
Mananaliksik: Ano ang pinakagusto mong bahagi ng iyong organisasyon?
Respondente: Hindi ako tumataba. Tsaka lumalakas ang katawan ko at
nagkakaroon ako ng pagkakataon na irepresenta ang aking
kolehiyo ( Naks!).
Mananaliksik: May napapansin ka bang mga pagbabago sa iyo mismo at sa pag –
aaral mo nang nagsimula kang sumali?
Respondente: Naging mas responsable ako ata dahil kailangan talagang ayusin
ang Time Management eh.
Mananaliksik: Sa pag – aaral, may mga positibo at negatibong epekto ba ito? Ano
ang iyong reaksyon?
Respondente: Positibo, natutunan kong pahalagahan ang oras. Negatibo, mas
lumalim eyebags ko.
Mananaliksik: Ano ang iyong mga paraan upang mapagsabay ang ekstra –
kurikular na gawain sa pag – aaral?
Respondente: Pag sabado, dun ako minsan nag-aaral upang mabawi o mauna na
para hindi na ako mahirapan.
Mananaliksik: Masaya ka ba sa iyong naging desisyon sa pagsali sa iyong
organisasyon?
Respondente: Oo naman, Ako pa!
Mananaliksik: Ikumpara ang iyong study habits noon at ngayon.
Respondente: Parehas lang eh kasi ganito din naman ginagawa ko nung
Highschool.
Respondente: Miggs Prats – soccer team
Mananaliksik: Ano ang iyong katungkulan sa nasabing organisasyon? Ikaw ba ay
isang aktibong miyembro?
Respondente Isa ako sa nga defensive players sa soccer team namin at ako ay aktibo.
Mananaliksik: Kamusta ang iyong pag – aaral?
Respondente: Hindi gaanong mabuti, baka hindi ko itutuloy sa susunod na taon.
Mananaliksik: Ikaw ba ay nakapaghahanda ng mabuti bago ang isang pagsusulit?
Respondente: Oo pero puyatan.
Mananaliksik: Ikaw ba ay aktibo pa din sa klase?
Respondente: Oo “recitation-wise.”
Mananaliksik: Ikaw ba ay may naibagsak na pagsusulit dahil hindi ka
nakapaghanda?
Respondente: Dahil sa hindi nakapaghanda, hindi pero mayroong syempreng mabababa.
Mananaliksik: Ikaw ba ay hindi nakakapasok sa klase dahil may gawain ang
organisasyon ninyo?
Respondente: Oo pero exkyusd naman.
Mananaliksik: Ikaw ba ay nababahala tuwing aabsent sa klase?
Respondente: Oo ako ay nababahala pero nakakakuha ako ng notes sa mga klase kaya
ok lang.
Mananaliksik: Ano ang iyong pananaw sa pagkakaroon ng student organizations sa
kolehiyo? Bakit ka sumali?
Respondente: Maganda ang mga student organizations at sumali ako dahil tingin ko
mageenjoy ako.
Mananaliksik: Ano ang mga factors na pwedeng makaimpluwensya sa pagsali mo
sa student organizations?
Respondente: Mga kaibigan at kung mayroong kang background sa ginagawa ng org na
yun.
Mananaliksik: Ano ang pinakagusto mong bahagi ng iyong organisasyon?
Respondente: Ang paglalaro.
Mananaliksik: May napapansin ka bang mga pagbabago sa iyo mismo at sa pag –
aaral mo nang nagsimula kang sumali?
Respondente: Wala naman.
Mananaliksik: Sa pag – aaral, may mga positibo at negatibong epekto ba ito? Ano
ang iyong reaksyon?
Respondente: Oo may positibo, mas nagiging focused ako sa pagaaral dahil sa sport ko.
Panget nga lang, mas gipit sa oras. Pero ok lang naman sa akin ito.
Konting tiis nalang.
Mananaliksik: Ano ang iyong mga paraan upang mapagsabay ang ekstra –
kurikular na gawain sa pag – aaral?
Respondente: Scheduling lang talaga ang paraan.
Mananaliksik: Masaya ka ba sa iyong naging desisyon sa pagsali sa iyong
organisasyon?
Respondente: Oo at hindi. Oo sa sense na masaya ang paglalaro at hindi sa sense na
medyo nahihirapan sa pagaaral.
Mananaliksik: Ikumpara ang iyong study habits noon at ngayon.
Respondente: Noon medyo burara ngayon mas focused ako.
AT NATUKLASAN SA PAG – AARAL NA ITO ANG MGA SUMUSUNOD NA IMPORMASYON AT DATOS:
Respondante Christa Orcullo -Nursing Dance Troupe
Si Christa Orcullo, kilala rin sa pangalang Kikay, ay isa sa mga miyembro ng grupong Nursing Dance Troupe o NDT. Siya ay dalawampu’t isang taong gulang at nasa ika-apat na taon. Siya ay nabibilang sa Section 4-7 ng Unibersidad ng Santo Tomas Kolehiyo ng Narsing.
Sumali si Kikay sa Nursing Dance Troupe (NDT) dahil hilig niya ang pagsasayaw. Unang taon pa lamang niya sa Nursing Dance Troupe (NDT) ngayong school year ngunit siya ay kabilang sa mga sumasayaw taun-taon sa Nursing Week. Ang mga miyembro ng NDT ay madalas na abala tuwing Nursing Week sapagkat sa linggong ito ginaganap ang kanilang taunang konsiyerto. Maliban sa Nursing Week at espesyal na okasyon kung saan sila ay iniimbitahang sumayaw, hindi masyado nagdadaos ng meetings ang NDT. Sa kabila nito, sila naman ay puspusang nageensanyo sa pamamagitan ng kanilang training.
Ayon sa kanya, malaki ang epekto ng gawaing ekstra-kurikular sa pag-aaral lalo na’t nakakapagod sa pisikal na ang katawan ang mga ginagawa sa NDT. Sa kabutihang palad, ang pangangailangan sa klase ay hindi masyado nakakapagod kaysa sa duty kung kaya’t hindi siya masyado nahihirapan pagdating sa grado. Sa kabila nito, may mga pagkakataon na rin na may nabagsak na pagsusulit o quizzes si Kikay dahil siya ay hindi nakapaghanda ngunit hindi naman ito naging hadlang upang umalis siya sa kanyang organisasyon
Isa sa kinuwento ni Kikay ay ang nangyari sa kanyang kapwa-NDT. Dahil madalas maimbita ang grupo sa iba’t ibang aktibidad o events, kinakailangan nilang mag-ensayo. Nang isang gabi bago magtanghal ang NDT, inabot sila ng alas-kwatro ng umaga sa kaka-ensayo sa isang dance studio. Marami sa kanila ay may pasok pa sa umagang iyon kung kaya’t marami rin sa kanila ang nahuli sa pagpasok. Sinabi rin ni Kikay na may ibang panahon na hindi na nakakapasok ang ibang miyembro sa klase dahil sa sobrang pagod. Bagamat hindi sa kanya ito nangyari, binahagi niya pa rin ito upang maipakita na hindi lamang puro saya ang dulot ng mga organisasyong pang-estudyante.
Sa kabila nito, nagawa pa ring niyang sabihing masaya maging parte ng organisasyon sa kolehiyo lalo na kung gusto mo talaga ang iyong sinalihan. Importante raw ang pagkakaroon nito upang may ibang pagkaabalahan maliban sa pag-aaral. Sa kanyang palagay, ang mga aspeto na nakakaimpluwensiya sa pagsali sa organisasyon ay ang hilig at mga kaibigan. Samantala, ang pinakagusto naman niyang bahagi ng kanyang organisasyon ay ang pagbibigay nito ng oportunidad na makasayaw lalo na’t ito ang kanyang hilig.
Maliban sa NDT, siya rin ay nabibilang sa iba pang organisasyon gaya ng Red Cross, Pax Romana at Nursing Central Board of Students o NCBS. Bilang isang staffer ng NCBS, nagustuhan niya rin ang pag-organisa ng mga aktibidad para sa kolehiyo.
Kapag kabilang sa isang organisasyon, mahalaga na matutong magbalanse ng oras. Ayon sa kanya, mahalaga ito upang maorganisa ang mga gawain at matapos ang lahat ng ito. Sinabi rin niya na sinisigurado niyang siya ay hindi babagsak kaya kanyang tinitiyak na siya ay mayroong listahan ng things to do upang wala siyang makalimutan sa kanyang mga dapat na gawin. Para sa kanya, ang mga negatibong epekto ng pagkakaroon ng organisasyon ay ang pagod na iyong makukuha dahil imbis na ilaan ang oras para sa pag-aaral at pagpapahinga, ito ay ginugugol sa meeting, training at iba pang gawain ng organisasyon. Ito ay higit na nakakaapekto sa mga miyembro ng NDT sapagkat gaya ng nasabi, pisikal ang kanilang gawain.
Kung may negatibong epekto ang gawaing ekstra-kurikular sa isang estudyante ng kolehiyo, sinabi ni Kikay na mas marami pa ang mga positibong naidudulot nito. Hindi lang ang pagkakaroon ng marami pang kakilala at kaibigan ang mabuti sa mga organisasyon dahil ayon sa kanya, ang mga bagong kaibigang ito ay ang dahilan upang tumaas pa ang mga grado sapagkat sila ay nakakatulong sa iyong pag-aaral lalo na kung sila ay nasa mas mataas na taon kaya masaya pa rin si Kikay sa kanyang pagsali sa kanyang mga organisasyon.
Ayon naman kay Kinsley, isa ring miyembro ng nasabing dance troupe, nakakatulong ang mga organisasyon sa mga estudyante sapagkat ito ay kanilang nagiging stress outlet dahil na rin sa pagod na naidudulot ng buhay-kolehiyo. Sinabi niya rin na mas lalo pa siyang ginaganahan pumasok nang sumali sa organisasyong ito. Ang pinakagusto niyang bahagi ng kanyang organisasyon ay ang mga “bonding moments” na nararanas niya kasama ng kanyang mga ka-organisasyon. Pagdating sa pag-aaral, halos parehas lang ang sinabi ni Kikay at Kinsley. Isa raw na adbentahe ang pagkakaroon ng organisasyon dahil maaaring makakuha ng tips, advice at pati na notes sa mga miyembrong mas nakatatanda sa kanya. Dahil dito, mas nakakatulong pa ito sa pag-aaral. Gaya rin ng sinabi ni Kikay, ang disadbentahe naman ng pagkakaroon ng organisasyon ay ang pagbawas ng nakalaang oras para sa pag-aaral. Ngunit kung ikaw naman ay magaling sa time management, tiyak na hindi ito magiging problema. Sa katunayan, isa ito sa mga paraang ginagawa ni Kinsley upang mapagsabay ang ekstra-kurikular na gawain sa pag-aaral. Kasama na rin dito ang pagkain ng masustansiyang pagkain at pagdarasal.
Mahalagang malaman ang implikasyon ng pagiging miyembro ng organisasyon sa pag – aaral ng estudyante. Kaya naman piniling alamin ng grupo kung nananatiling aktibo sa klase ang mga kasapi sa mga organisasyon. At mula sa mga datos na ito ay natuklasan na ang pagkaantok o pagkakatulog sa klase ay isang sanhi ng pagiging hindi aktibo sa klase na dulot na rin mismo ng pagkapagod. Kadalasan, ang mga organisasyon na nangangailangan ng pisikal na abilidad ang laging nakakapang – ubos ng lakas. Pero napatunayan din sa datos na ito na karamihan sa mga estudyante ay kinakaya pa din na maging aktibo tuwing klase sa paraan na lagi sila nagrereport at tumatayo upang magresitasyon.
Pansinin ang kasunod na grap 3 na nagpapahiwatig na kabuuang 13% ng mga respondente ang hindi aktibo tuwing klase at 87% naman ang nananatiling aktibo.
Grap 4: Listahan ng mga respondanteng Maybagsak at wala sa mga ibat-ibang Organisasayon
Iba – iba naman ang mga pangangatwiran ng (16) labing anim na respondente pagdating sa saloobin hinggil sa kung bakit mabuti ang pagkakaroon ng mga organisasyong pang – estudyante (student organizations) sa kolehiyo. Karamihan sa mga dahilan na nabanggit ay mga sumusunod:
? Dito pwede mapatunayan ng estudyante na kaya niya ipagsabay ang pag – aaral sa mga ekstra – kurikular na aktibidades.
? Ito ang madalas nagsisilbing aliwan ng mga estudyante.
? Dito pwede mahasa ang tamang kakayahan ng pakikisalamuha/pakikitungo sa iba’t ibang uri ng tao.
? Nagkakaroon ng support groups ang mga lower batch ng estudyente.
? Dito pwede gawin ng estudyante ang kanyang hilig gaya ng pag – awit, pagsayaw, pagtulong sa kolehiyo at marami pang iba.
? Ito ay nagsisilbing motibasyon upang mag – aral ang isang estudyante.
? Dito maaring makadiskubre ng talento ng isang tao.
? Madalas itong nagsisilbi bilang stress outlet para sa mga taong lunod na sa pag – aaral.
? Nagkakaroon ng balanse sa pagitan ng spiritwal na aspeto ng buhay at normal na aspeto ng buhay ayon sa mga miyembro ng Pax Roamana.
? Holistiko nito dinedebelop ang katauhan ng isang estudyante.
? Self – fullfillement.
Ang mga positibong epekto ay ang mga sumusunod:
• Mas napapatindi ang pag-aaral dahil sa pressure na nararanasan.
• Natuto ang mga estudyanteng magkaroon ng “time management.”
• Nagbibigay ito ng outlet sa stress na nararanasan sa pag-aaral.
• Nagbibigay ito ng oportunidad para magkaroon ng mas maraming kaibigan na maaaring magpayo at tumulong sa mga problema sa pag-aaral kapag sila ay nasa higher years.
Ang mga negatibong epekto ay ang mga sumusunod:
• Mababawasan ang oras na puwedeng gamitin sa pag-aaral.
• Maaaring mas magpokus ang estudyante sa kanyang organisasyon sa halip ng kanyang pag-aaral
• Magkakaroon ng mga conflicts sa iskedyul.
Mahihinuha sa mga nakuhang impormasyon na hindi madali ang pinagdadaanan ng mga estudyanteng aktibo sa iba’t ibang mga organisasyon. Halos lahat ng mga nakapanayam ay nagsabing mahirap mapagsabay ang pagiging aktibo sa mga organisasyon at ang pagiging isang mag-aaral ng isang mahirap na kurso tulad ng Narsing. “Time Management” daw ang kanilang pangunahing gabay kaya nakakayanan nilang malagpasan ang mabibigat na responsibilidad na kaakibat ng pagiging isang miyembro o lider ng isang organisasyon. Hindi din nila kinakaligtaan ang kanilang pag-aaral dahil batid nila na ito ang kanilang pangunahing prayoridad. Para sa mga nakapanayam, malaki ang naitutulong nga mga organisasyon sa kanilang pagkatao. Dito raw ay mas napapahalagahan nila ang mga responsibilidad na ibinibigay sa kanila. Marami din ang nagsabi na malaki ang pagbabago ng kanilang buhay simula ng sumali sila sa mga organisasyon. Minsan daw ay nagkakasabay ang mga “demand” sa pag – aaral at mga eksra- kurikular na gawain, dumadating na rin sa puntong hindi na sila nakakatulog, pero sa huli naman ay nababatid nila na mas napaunlad ng ganitong mga “demand” ang kanilang kakayahan.
Mga Solusyon Para Maiwasan ang Pagpabaya sa Pag-aaral
• Magkaroon ng time management.
• Gawin ang mga gawain, mga proyekto sa mas maagang oras para maiwasan ang cramming.
• Kailangang gawin sa tamang oras ang pag-gimik at paglakwatsa.
• Dapat mas unahin ang pag-aaral bago ang lahat.
Inalam din ng mga mananaliksik and damdadmin ng mga respondente matapos ang kanilang pagsali sa organisasyong kanilang napili. Nais alamin ng mga mananaliksik kung naging tama ba ang desisyon ng estudyante sa pagsali, kung siya ba ay nagsisisi, at marami pang iba. At mula sa Grap 6, makikita na 84% ng 16 na respondente ang naging masaya at kontento sa organisasyong kanilang kinabibilangan. Samanatala tig – 8% ang naging malungkot at walang pagbabagong epekto sa kanilang desisyon sa pagsali.
IV. LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
1. Lagom
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa layuning matiyak ang mga epekto ng mga ekstra-kurikular na gawain sa mga kolehiyong mag – aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas Kolehiyo ng Narsing at upang patotohanan ang epektibong gamit ng “Time Management” sa pag-hawak ng kanilang mga responsibilidad bilang mga mag – aaral na lider o miyembro ng mga organisasyon. Ang ginamit na pamamaraan ay deskriptib at ang ginamit sa pagsaliksik ng mga datos at impormasyon ay impormal na interbyu. Lumikha ang mga mananaliksik ng isang sarbey – kwestyoneyr na ginamit na instrument sa pangangalap ng mg datos galing sa mga respondente. Pili lamang ang mga estudyanteng ininterbyu tungkol sa kanilang mga karanasan sa pagsali sa ekstra-kurikular na gawain at nag-popokus lamang sa implikasyon ng pagiging aktibong mag-aaral kaya’t hindi na pinalawak ang mga detalye pagdating sa emosyon bunga ng mga pinagdaanan. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa taong-akademiko 2007-2008.
Sa dalawampung (20) respondenteng estudyante na aktibo sa ekstra-kurikular na gawain ay lahat ay may positibong pananaw ukol dito. Batay naman sa tig-iisang papel ng bawat estudyante ay walumpung por siyento (80%) ng mga sagot nila ay may positibong epekto at ang natitirang dalwampung por siyento (20%) ay may negatibong epekto.
2. Kongklusyon
Batay sa mga natamong datos at impormasyon, ang mga mananaliksik ay nagwakas sa mga sumusunod na kongklusyon:
a. Ang mga mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas Kolehiyo ng Narsing ay sumasale sa mga eksta-kurikular na gawain dahil: dito nagagamit ang kanilang mga talento, ito ay holistic, naipadadama sa kanila na sila ay parte ng kanilang kolehiyo o unibersidad, nailalabas ang sariling mga ideya at saloobin, napabubuti ang kanilang mga kakayahan, nagiging katangi-tangi at mabunga ang buhay-kolehiyo, ito ay “stress outlet”, at may ibang pagkakaabalahan maliban sa pag-aaral.
b. Ang mga benepisyo ng pagsale ng mga mag-aaral sa mga eksta-kurikular na gawain ay ang mga sumusunod: dito nagagamet ang kanilang mga talento, ito ay holistic, naipadadama sa kanila na sila ay parte ng kanilang kolehiyo o unibersidad, nailalabas ang sariling mga ideya at saloobin, napabubuti ang kanilang mga kakayahan, nagiging katangi-tangi at mabunga ang buhay-kolehiyo, ito ay “stress outlet”, at may ibang pagkakaabalahan maliban sa pag-aaral.
c. Ang mga epekto ng pagsali sa organisasyon sa pag-aaral ng mga mag-aaral ay ang mga sumusnod: mas napapatindi ang kanilang pag-aaral dahil sa pressure, natuto sila magkaroon ng time management, nawawala ang kanilang stress, nagkakaroon sila ng mga kaibigan na makatutulong sa kanilang pag-aaral, nauubos ang kanilang oras mag-aral, maaaring naipagpapalit ang organisasyon kaysa sa pag-aaral, at nagkakaproblema sa iskedyul.
d. Nakatutulong ang mga ekstra-kurikular na gawain sa pagkaroon ng mataas na marka.
e. Nakatutulong ang mga ekstra-kurikular na gawain sa pagkaroon ng mataas na marka sa
paraan na napauunlad ang kakayahan ng mga estudyante dahil napipilitan silang tapusin ang mga demanda ng pag-aaral at organisasyon.
3. Rekomendasyon
Kaugnay ng mga konklusyong nabanggit, buong pagpapakumbabang iminumungkahi ang sumusunod na rekumendasyong ito ng mga mananaliksik sa mga babasa nitong pamanahong papel:
a.Para sa mga mag-aaral na nagnanais na makabilang sa gawaing ekstra-kurikular, dapat munang siguraduhin na kakayanin nilang pagsabayin ang kanilang pag-aaral sa aktibidad na ito. Dapat din silang matutong mag-manage ng kanilang oras upang maiwasan ang pag-aaksaya ng mahahalagang oras lalung-lalo na sa mga mag-aaral na sumali sa mahigit sa isang organisasyon.
b. Para naman sa mga magulang ng mga mag-aaral na ito, dapat muna nilang isaalang alang ang kalusugan ng kanilang mga anak bago nila kunsintihin ang kanilang mga mga anak na sumali. Pag-tuunan din ng pansin ang pag-aaral ng kanilang mga anak upang ma-monitor ang kalagayan nila sa paaralan.
c. Para naman sa mga propesor ng kolehiyo ng nursing, dapat bigyan nila ang mga mag-aaral ng weekly reports ng kanilang grado sa iba’t ibang mga asignatura sapagkat ito ay makakatulong sa pag monitor ng kanilang lagay sa pag-aaral.
d. Para naman sa iba pang mga mananaliksik na tatalakay sa pag-aaral na ito, palawakin pa at dagdagan pa ng mga datos na may kaugnayan dito nang sa ganoon ay mas mauunawaan ito ng mga taong babasa rito.
LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN
Extracurricular activity. Retrieved February 10, 2008, from https://en.wikipedia.org/wiki/Extracurricular_activity
Extracurricular activities. Retrieved February 10, 2008, from https://www.kidshealth.org/teen/school_jobs/school/involved_school.html
Expert reviewers. Retrieved February 10, 2008, from https://www.kidshealth.org/parent/misc/reviewers.html
Hollrah, R. (n.d.). Extracurricular activities. Retrieved February 10, 2008, from https://www.public.iastate.edu/~rhetoric/105H17/rhollrah/cof.html
College admissions. Retrieved February 10, 2008, from https://collegeapps.about.com/od/collegeapplications/a/activitytips.htm
APENDIKS
Mahal na Respondente,
Magandang Araw!
Kami ay mga mag – aaral ng Filipino 2 na kasalukuyang nagsususulat ng isang pamanahong papel tungkol sa Epekto ng Gawaing Ekstra – Kurikular sa Pag – aaral ng mga Piling Estudyante na Kasapi ng mga Organisasyon sa Unibersidad ng Santo Tomas Kolehiyo ng Narsing.
Inihanda naming ang interbyu – kwestyoneyr na ito para mangalap ng mga impormasyon ukol sa epekto ng pagsali sa mga “student organizations” sa pag – aaral ninyong mga estudyante ng Kolehiyo ng Narsing.
Kaya naman hinihiling namin na sagutan ang mga tanong ng buong katapatan ang mga sumusunod na tanong.
Maraming salamat!
– Mga Mananaliksik
1. Aktibo ba ang organisasyong kinabibilangan mo?
2. Ano ang iyong katungkulan sa nasabing organisasyon? Ikaw ba ay isang aktibong miyembro?
3. Kamusta ang iyong pag – aaral?
4. Ikaw ba ay nakapaghahanda ng mabuti bago ang isang pagsusulit?
5. Ikaw ba ay aktibo pa din sa klase?
6. Ikaw ba ay may naibagsak na pagsusulit dahil hindi ka nakapaghanda?
7. Ikaw ba ay hindi nakakapasok sa klase dahil may gawain ang organisasyon ninyo?
8. Ikaw ba ay nababahala tuwing aabsent sa klase?
9. Ano ang iyong pananaw sa pagkakaroon ng student organizations sa kolehiyo? Bakit ka sumali?
10. Ano ang mga factors na pwedeng makaimpluwensya sa pagsali mo sa student organizations?
11. Ano ang pinakagusto mong bahagi ng iyong organisasyon?
12. May napapansin ka bang mga pagbabago sa iyo mismo at sa pag – aaral mo nang nagsimula kang sumali?
13. Sa pag – aaral, may mga positibo at negatibong epekto ba ito? Ano ang iyong reaksyon?
Negatibo ngunit hindi ganon ka grabe. Ibalanse ang pag-aaral sa mga gawaing pang Ikaw ba ay may skedyul na sinusundan sa pang – araw araw?
14. Ano ang iyong mga paraan upang mapagsabay ang ekstra – kurikular na gawain sa pag – aaral?
15. Ikaw ba ang nakaisip ng paraan na ito o may nagbahagi o nagpayo sa iyo?
16. Masaya ka ba sa iyong naging desisyon sa pagsali sa iyong organisasyon?
17. Masaya ka ba sa iyong naging desisyon sa pagsali sa iyong organisasyon?
18. Ikumpara ang iyong study habits noon at ngayon.
Kurikular sa Pag – aaral ng mga Piling Estudyante na Kasapi ng mga Organisasyon sa Unibersidad ng Santo Tomas Kolehiyo ng Narsing
Isang Pananaliksik Papel ang
Ipapasa kay Gng. Zendel M. Taruc
Kagawaran ng mga Wika
UST, Kolehiyo ng Narsing
Bilang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa kurso ng
Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
Ika – 2 Semester, TA: 2007 – 2008
Ipinasa nina:
Dy, Theus Alexiv
Dizon, Louise Angela
Gomez, Joyce Anne Clarisse
Inguito, Jillian
Kimura, Akemi
Lim, Anna Veronica
Mariano, Patrick
Par, Carl Justine
Valendez, Venice Lou Marie
Velasco, Camille Muriel
1 – 9